W3C logoWeb Accessibility Initiative (WAI)         logo

Ang WAI: Mga Gabay Para Magamit ng Mga Disabled Na Tao ang Internet

Bersyong Orihinal: http://www.w3.org/WAI/quicktips/Overview.php 
Mayakda / Author: Joseph Rinoza Plazo

Ang original na texto ay kinupkop ng internasyonal na copyright. Pakituon ng pansin ang original na reperensya mula sa mga hyperlinks para sa mas malalim na pagkaunawa."This translated text may contain conversion errors. Please refer to the original document at WC3 for normative version."

Mabilis na Paraan Upang Gumawa ng Website na Mataas ang Lebel ng Aksesibilidad

Mga Nilalaman

Introduksyon

Ang sumusunod na sampung mabilis na ideya ay sumasaklaw sa importanteng konsepto ng pagdedesenyo ng website na mataas ang lebel ng aksesibilidad. Hindi ito kumpletong gabay; sila ay mga bahagi lamang ng konsepto mula sa Gabay sa Paggawa ng Web na May Aksesibilidad 1.0 (WCAG 1.0).

WCAG 1.0 ay naglalaman ng impormasyon mahalaga sa pagunawa at implementasyon ng mga Ideyang it. Tignan ng mabuti ang WCAG Introduksyon para sa mga pagbabahagi ng WCAG dokumento, tulad ng Talaan para sa WCAG 1.0 na naglalahad ng WCAG 1.0 detalye na nakaayos ayon sa prioridad

Ang mga Ideyang ito ay libre at makukuha mula sa reperensyang kasing laki ng isang business card sa labin isang lengwahe sa order form na susunod. Ang lumang bersyon ay makukuha sa 40 lengwahe.

Sampung Mabilis na Ideya

Ang sumusunod na 'links' ay tumuturo sa dokumentong teknika na nagbibigay gabay, at saka halimbawa, stratehiya at markup na ehemplo.

  1. Imahen & animasyon: Gamitin ang alt attributo upang mailahad ang gawain ng bawat biswal.
  2. Mapa ng Imahen. Gamitin ang 'client-side' mapa at saka texto bilang mga hotspots.
  3. Ang multimedia. Maglaan ng captioning at mga transkripto ng audio, at paglalarawan ng bidyo.
  4. Mga hypertext links. Gumamit ng texto na makabuluhan kahit nabasa sa labas ng kontexto. Halimbawa, iwasan ang "click here."
  5. Mga organisasyon ng pahina. Gumamit ng headings, listahan, at strukturang maayos. Gumamit ng CSS para sa paglayout at ang stilo kung posible.
  6. Mga grapiya & at trsart. Gamitin longdesc attributo.
  7. Mga scripto, applet, & at plug-ins. Maglaan ng alternatibong kontento sa mga panahon na ang nabigasyon ng site ay di magamit.
  8. Ang frames. Gamitin ang noframes elemento at makabuluhang titulo.
  9. Mga Tables. Siguraduhin na ang pagbabasa ng impormasyon ay makabuluhan. Ilantad ang buong detalye na klarong klaro!.
  10. Siguraduhin na tama ang nilalaman. Balidasyon. Gamitin ang gabay at http://www.w3.org/TR/WCAG

W3C (MIT, INRIA, Keio) 2001/01

Paano makaorder

Kumpletuhin ang sumusunod na porma para sa mga Ideya sa vinyl na referensya card na lalabas sa normal or sa braille. Kung hindi mo magagamit ang pormang ito, paki e-mail ang impormasyon kina wai-quicktips@w3.org.

Hanggang sa limang daang cards ang makukuha na walang bayad. Paglumagpas rito, pakidala ng impormasyon tungkol sa iyong plano sa wai-quicktips@w3.org, and Maari nating talakayin ang ibang paraan ng distribusyon.

Ngayon ang braille at large print formats ay ma-oorder sa Ingles lamang.

Order Form

Detalye

Tirahan (kailangan)

Dagdag Detalye

Sa seksyong ito, maari kang umorder ng hanggang tatlong set ng Quick Tip Ideya.







Iba Pang Impormasyon




Pag napindot ang Submit, ang order ay papasok sa W3C